Listen to the THUNDER
version 4
Thunder




For almost 4 years na, ang blog na 'to ang nagsisilbing tapunan ko ng mga basura sa buhay ko, mga random thoughts ko at ng mga happenings sa buhay ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong gumawa ng welcome note. HAHA. Walang sense? :))

Basta, GO BASA GO! :) pwedeng magnakaw ng codes, at kung ano pa. :)

-Minanggirl February 17, 2009

tell me something i don't know






Maybe there's a way out.





**iuupdate ko to pag ako'y sinipag na. :) kung gusto nyo magpalink, sabihin lang sa akin.

gotta find a way out.



October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
September 2009
October 2009
November 2009


CREDITS

designer: armina <3
basecodes: 1
brushes: DeviantArt
hosts: 1 2
StopGlobalWarming.org

Monday, November 16, 2009/4:47 PM
SORRY my ASSSSSSSS.

Naaalala ko noong pinapagalitan ko si Chad pag hindi sya nagpiplease pag naguutos at hindi nagsosorry pag may nagawang hindi maganda. Nakakatawang isipin dahil noong sinadya ni Chad na hampasin ako ay doon ko narinig ang pinakamatamis at pinakanakakaawang SORRY na narinig ko sa buong buhay ko. At pinagalitan ko naman sya for SAYING SORRY.

Nakakainis yung word na "SORRY". Hindi mo alam kung sinasabi ba sayo yon para masatisfy ka o masatisfy sila. Usually, you say sorry para i-let go ang lahat ng masasamang vibes sa puso mo, hindi madaling sabihin ang sorry kasi nakakawasak ng ego, nakakababa ng pride and all. Pero pag nagawa mo ang sorry ng may totoong puso, may reward na forgiveness and it's priceless. But then, merong mga sorry na nagsorry for the sake of saying sorry and nothing more. It's just sad how people can say they're sorry when they're actually not.

At ang pinakamasakit don, eh yung nasasabihan ng FAKE na sorry. Lalo na kapag alam mo na fake yun. Nakakadurog ng puso. Nakakabwisit. Sinasabi lang ba nila that they're sorry to satisfy me? To make me stop whining? To make me feel bad about myself? OH COME ON. :(

Minsan, masasabi ko na SAYING SORRY IS A FORM OF LYING. :( and a way of breaking someone's heart.

Madalas, okay na sa akin ang simpleng sorry eh. Pero iba na pag yung sorry mo ay may kahalong kung ano anong shit. Ang sakit lang. At sobrang sakit everytime inuulit yun sakin.

Sabi nga ni Rihanna, "please don't tell me you're sorry 'coz you're not." :))

And yes, I don't say I'm sorry kung hindi totoo at kung hindi bukal sa loob ko. Kaya lalong masakit para sakin ang mga sorry na walang kwenta. :| Nakakainis. :(

2 Comments| KUMENTO

Saturday, November 14, 2009/2:01 PM
FRIDAY THE 13th.

Puro na lang disappointments ang ginagawa ko sa sarili ko, sa'yo, sa'yo, sa'yo pa, at sa inyong lahat. :(

Nakakainis. :(

0 Comments| KUMENTO

Wednesday, October 14, 2009/2:32 AM
Insecurities.

Bakit ganun? Feeling ko hindi na talaga 'to normal eh. Dati feeling ko, okay lang naman maging insecure paminsan minsan, kasi wala namang taong perfect eh. Pero uhhgg, parang hindi talaga sya tama.

Ang insecure ko na naman. Basta. Hindi ko alam bakit ganito na naman nararamdaman ko. :| Nakakainis talaga. Ayoko ng ganito. Nakakabadtrip isipin yung "sana ako din...", "sana ako na lang sya.." crap. Kasi, I can't think of anything na meron ako na masasabi kong katapat ko sya. Siguro hindi lang talaga totoong "all men are created equal." KAMUSTA NAMAN. At basta, she has something that I wish I had. :| Arrrrg, ano ba tong pinagsasabi ko. Nababaliw na ata ako. Ang disturbing naman neto.


:( :( :( Super late in the evening blues. HAHA.

0 Comments| KUMENTO

Tuesday, October 13, 2009/8:10 AM
Eh. TIGILAN NYO KO.

Nakakabuwisit. Pinapagawa kasi ako ng tita ko ng assignment ng pinsan ko ngayon, AT NG ASSIGNMENT NG KAKLASE NG PINSAN KO.

Sobrang badtrip lang talaga. Lalo na at may ginagawa akong term paper at hindi ako makatanggi. LALO PA at halos ata lahat ng assignment at project ng anak nya (at kaklase ng anak nya) ay sakin pinapagawa.

Okay lang naman sakin gumawa eh, okay lang talaga. Pero, wag naman araw araw at wag naman lahat. Kaya hindi natututo yang anak nya eh. Noong grade 2 pa lang ako, ako na gumagawa ng sarili kong project eh. Eh grabe, grade 5 na yung anak nya. Watdahek. At ang pinakanagpainit ng ulo ko ay, bakit pa yung sa classmate? HAHA, ano kaya yun. Mukhang tanga lang talaga.

Tapos nakakainis pa. Nagbabayad ka ng tutor (sabi nga ni Austin) para ituro sayo yung lessons at kung pano sagutin ang assignments, hindi para sagutin yun para sayo. Watdafutch.

HAHAHAY. Bwiseeet lang.

At grabe, syempre sumasabay pa yung tatay ko ngayon, pinagprito pa ko ng bacon. Tapos, nilait lang kasi hindi pa daw luto. Eh sorry naman kung tumatalsik yung mantika ha. HAHAHA.

0 Comments| KUMENTO

/7:49 AM
:|

LALALALA. Term Paper due today.

0 Comments| KUMENTO

Monday, October 05, 2009/7:18 PM
Pft.

Bakit ganito nangyayari sa akin ngayon? Sobrang weird lang. Parang lahat ng bagay tumatagos lang sakin. Parang lahat, okay lang. Lahat, hindi masaya. Lahat, hindi malungkot. Lahat, wala lang.

Natatamad ako umayos ng gulo. Natatamad ako maging masaya. Natatamad ako sa buhay. Hindi ko alam bakit ako nagkaganito pero sinasabi kong hindi ko gusto yung ganitong feeling. Tinatakasan ko na lang lahat ng problema. Pinapalagpas ko lang lahat ng kasiyahan.

Walang naniniwala sakin.
Walang nakikinig sakin.

Di ko sila masisisi. I'm just me.

0 Comments| KUMENTO

Thursday, September 24, 2009/8:06 PM
wadaaa.

Masyadong "exciting" ang buhay ko lately para aksayahin ko magblog. HAHA. Exciting, hindi lang yan happy. EXCITING as in sooooobrang challenging ng naging buhay ko the past few weeks kaya mas minamabuti ko na ispend na lang ang sa paglutas ng problema, o kaya pagtawanan ang problema or samahan ang mga taong mahal ko, kesa ispend ko pa sa pagbablog. Nakakalungkot, kasi pati diary ko hindi ko na nauupdate. Masyadong... busy. Oh well.

Dahil tapos na ang first (and hopefully ONLY) MP ko ngayong sem, ay nakahinga na ko ng maluwag. Saktong isang linggo ng una kong nilamayan ang MP ko. Mula noong araw na yun ay hindi na ko nakatulog ng mahimbing sa gabi. Pagkagising ko ay pagbubutingting na ng assembly language na hindi ko magets ang inaatupag ko. After ng ilang sleepless nights, mga long test na hindi naipasa, physics classes na hindi napasukan, at math lessons na namiss, at after ng 2 days na pagkalate, eh finally, natapos ko na rin yung MP ko. At naipasa na kanina lang, mainit init pa from shopping center. HAHA.

Masasabi kong ang MP na yun ang isa sa mga achievements ko sa CS Career ko. Kasi, yun ang unang MP na sobrang pinagtyagaan ko, at pinag-isipan. Noong first year kasi eh, medyo madali lang naman yung MP namin nun sa C, at kahit hindi ako late magpass, kulang kulang naman. Tapos, nung 2nd sem naman, kung hindi ko ninakaw kay Ger yung algo ay pinasolve ko naman kay James. At ngayon, dahil wala akong mahingan ng tulong sa class ko (dahil wala na akong close friend doon), dahil kasi medyo "rare" ang ginamit naming assembly language at walang makitang sample code sa internet, dahilisang libro lang ang reference namin, ay... nahirapan talaga ako... NG BONGGA. :)) Syeeet, binasa ko yung libro. At ayun, noong araw ng deadline, sabog ang input, sabog ang printing, sabog ang parsing. Lahat sabog.

AT GUESS WHAT, make or break long test ko sa Math nun. Nag long test ako ng hindi natulog... at hindi nag-aral. :( At, sure ball na... babagsak na ATA (labo may ata pero sure na) ako sa Math. :)) Ang matagal ko ng pinagkakalat, first year first sem pa.. is finally coming true. BABAGSAK AKO SA MATH 54. HAHA.

Enough of my Acads, dahil maiisip ko pa na meron pa kong 2 reaction paper, 1 term paper, 3 long test coming up at isang ME! :)) HAHA.

The past few weeks rin ay naging busy ako sa pag-aapply ko sa org :) Siguro, kung may gusto man ako sa kinakabusy ko, eto na yun. At buti na lang tapos na interview at medyo humupa na ang mga requirements :D hinihintay na lang ang resulta. Hopefully, matanggap :) WAH. :( Olats ko pa naman.

Tapos, syempre dumagdag pa sa excitement ng buhay ko ang mga debuts ng mga malalapit na kaibigan. Mga birthday sa kabila ng masaklap na scheds. Kay Clarabel, Rizi... Danniel.. :)) HAHA :D Yan siguro nagpapasaya at nagbibigay ng break sakin sa mga problema ko. :)) At syempre, si Austin na rin. :)

Pero at the end of the day, andyan na naman yung mga problemang dapat lutasin. Ang masaklap, hindi ko nalulutas. Siguro tama talaga yung sinasabi nilang ang mga kaibigan ay parang buhangin... the more you hold on to them, lalo silang tumatagas sa kamay mo, nawawala. At masaklap man isipin, pero we're falling apart. HAHA, ang saklap eh, hindi lang kasi yung high school barkada, pati na rin college barkada. New friends are coming in pero mostly ang mga old friends ko ay lumilisan. Hindi balanced. Kasi, bago ka makagain ng isang "true friend", dapat nyo munang pagdaanan ang lahat ng sakuna ng buhay. Pero ang isang true friend, hindi forever na friend pwedeng mawala sa ISANG MALING MOVE. Ayun lang. BOW. Ang masasabi ko lang, it takes time. Tama nga yon, pero hindi naaayos ng time ang sugat na inaalagaan, ang sugat na nagnanana sa loob.

At, brrr. Nakakaadik magplurk lately. At least from time to time ay nakakapagdestress ako. Yun nga lang, mas matagal pa ang pagdedestress ko minsan kesa sa working time ko. HAHA. Imba. :)) OH WELL.

At napakahaba ng post na to, last naaaa. Gusto ko ishare na nakanood na ko ng 3D movie! WUHHOOO. Ang cute nung UP :D hahaha. :) Thanks Austin sa libre. :) And speaking of Austin, isa pa sa mga challenging part ng buhay na ayoko na ata halungkatin. HAHA.

At yehyeh, after 2 weeks kong hindi pagsipot sa Physics ay nagtagpo tagpo na ulit kami nila Gerald at James kanina (si Cha di pa rin pumapasok hahaha) Always and forever naman kaming hindi nakikinig at nagkwekwentuhan lang. Ay, yes, recit bukas. Di ko alam aaralin :| Dahek.

AYUUUUN. At, haha. Hindi ko na iniiyakan ang MP ngayon, :)) improviiing :)) YEHYEH.

hahahay. Yon, bow.

0 Comments| KUMENTO

Monday, September 21, 2009/6:43 PM
Huh? Huh?

THINGS TO DO:

[ ]MP (30%)
[ ]Aral sa math (20%)
[ ]secret1 (10%)
[ ]secret2
[ ]reaction paper 1
[ ]reaction paper 2
[ ]term paper


WEEEEEEEEEEEEE. :)) nakikita nyo ba yaaaan?! WALA PANG X kahit isa. PUTEK LAAAANG. Nakakalowkaaaah. :))

0 Comments| KUMENTO